Tungkol Sa
Tungkol sa Tool na ito
The Great Schools All Kids (GSAK) data portal is a great way to find the most recent school data all in one place. It is a community source to learn more about data that shows us how schools are doing. School data is provided by the Nevada Department of Education every September. The Nevada School Performance Framework (NSPF) is a summary of public school performance. It’s like a report card for schools that also tells us about how students are performing in that school. You can use this portal to stay engaged with your local public schools, ask questions, and more.
Ang paglikha ng mahusay na mga pampublikong paaralan para sa lahat ng mga bata ay hindi kayang gawin mag-isa.
Mahalagang maunawaan ng mga stakeholder kung paano nasusukat ang kalidad ng paaralan at kung paano na ang paaralan ay may pananagutan sa tagumpay ng lahat ng mga mag-aaral. Mahalaga din na ikaw ay may kusang magsiyasat ng mga data, mga lumalabas na uso, at iba pang mga pananaw sa paaralan at antas ng komunidad upang ang positibong kalalabasan para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ay masigurado.
Ang mga kategorya sa baba ay ang simula ng kritikal na pagsasama sama sa pampublikong edukasyon at kung paano na ang bawat isa sa atin ay may pananagutan sa lahat ng mga bata.
- Ang Pamilya ay ang mahalagang katambal ng mga bata sa kanilang edukasyon - prayoridad nila ang paglaki at tagumpay ng kanilang mga anak, itinataguyod nila ang mga bata at hinahangad na maintindihan kung paano nila susuportahan ang tagumpay ng kanilang mga anak sa loob at labas ng silid-aralan.
- Ang mga guro ang nagtataguyod sa mga natutunan ng mga mag-aaral, kahit ano pa man ang kanilang mga natatanging kailangan o napagdaanan. Ang mga guro ay may matibay na pananagutan sa mabisang pakikisalamuha sa mga mag-aaral, magbigay ng kaalaman at mga kasanayan na kailangan upang magtagumpay sa kolehiyo, karera, buhay at maging mahusay sa kada taon.
- Ang mga Punong-guro ang nagpapanatili ng isang ligtas na paaralan kasama na ang kulturang nakahanay sa pananaw ng pagkakaroon ng kalidad na kaalaman at pag-unlad para sa lahat ng mga mag-aaral. Ang mga Punong-guro ay dapat din ipagdiwang ang tagumpay ng mga magagaling na guro at suportahan ang mga hindi nagpapakita ng pag-unlad tungo sa nakamit ng mag-aaral.
- Ang Estado at Distrito ay may pananagutan sa pagbibigay ng mapagkukunan at suporta sa paaralan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga layunin, malinaw na pag-asa, pagsuporta sa ikauunlad ng mga guro at nangunguna sa pagpapabuti ng mga paaralan na nasa mababang antas upang tuluyan ng mapaglingkuran ang lahat ng mga mag-aaral
Paano gamitin ang Data Portal
Pagdating sa tagumpay ng estudyante, ang mga pamilya ang numero unong katambal ng paaralan.
Upang ganap na makasama sa pampublikong edukasyon, mahalagang maunawaan kung paano sinusukat ang kalidad ng paaralan at kung paano na ang paaralan ay may pananagutan sa tagumpay ng lahat ng mga mag-aaral. Sa portal ng Great Schools All KIds (GSAK), ang mga pamilya ay may madaling pag-akses sa impormasyon tungkol sa kung ano na ang lagay ng mga kalapit na pampublikong paaralan. Ang tool na ito ay mapagkukunan din ng mga tagapagturo na mas maunawaan ang impormasyon sa perpormans ng paaralan upang kanila itong maibabahagi sa mga pamilya at mag-aaral. Ang tool ng Great Schools All Kids ay mayroon din sa mga salitang Ingles, Espanyol, at gumagamit ng mas bagong data galing sa Nevada School Performance Framework (NSPF).
Paano nag-peperporm ang mga pampublikong paaralan?
Gamitin ang data tool na ito sa:
- Paghahanap ng mga pampublikong paaralan para makakuha ng litrato kung paano sila nag-peperporm.
- Pag-akses ng impormasyon tungkol sa Nevada at lahat ng paaralan sa distrito ng Nevada.
- Tingnan kung ano na ang lagay ng mga kalapit na paaralan sa pamamagitan ng paghahanap sa pangalan ng paaralan o ng iyong zip code.
- Ihambing ang iyong paaralan sa iba pang mga pampublikong elementarya, sekondarya o hayskul.
- Sagutin ang iyong mga katanungan
Saliksikin ang mga katangian:
- Tool sa paghahanap ng paaralan: Hindi sigurado kung anong paaralan ang iyong hahanapin? Itong tool na ito ay nagpapakita ng listahan ng lahat ng mga pampublikong paaralan na malapit sa tinutukoy na tirahan.
- Data ng Equity: Kasama sa portal ang data ng perpormans ng mag-aaral sa pamamagitan ng grupong panghalili, ito ay ang mahalagang bahagi upang masuri kung paano na ang paaralan ay naglilingkod sa lahat ng populasyon ng mag-aaral.
- Taon-Taon na Paghahambing: Ang portal na ito ay nagpapakita ng pinakabagong data ng perpormans ng paaralan, kasama na ang pagbabago sa resulta taon-taon (pagtaas, pagbaba o manatiling pareho).
- Paghahambing sa Paaralan: Bilang tugon sa komunidad, ang katangian ng pagkukumpara ay magagamit upang makuha ang paghahambing ng hanggang tatlong paaralan, sa pagsasaayos ng parehong antas (elementarya, sekondarya at hayskul).
- Webinar at Tour: Ang mga webinar na nauna ng narekord ay nagpapakita sa mga pamilya kung paano makikita ang GSAK tool. Maaari din mag-rehistro ang mga pamilya para sa mga darating na personal o birtwal tour upang makita ang sunud-sunod na instruksyon at upang makapag tanong.
Great Schools All Kids is an initiative of Opportunity 180. Have questions about information or data in this portal? Please reach out to us at community@opportunity180.org.